theescapewriter

Yes, I missed you.

Posted on: February 15, 2013

I never had the courage to say these things to you. I’m glad i never did. Finally posting this publicly just because I don’t feel this way anymore. 

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

To whom it may concern: 

Miss na kita. Miss na miss. Siguro kung maihahalintulad sa isang math term ang pagkamiss ko sayo, yun ang infinity. 

Miss na kita to infinity. 
Mapa positive o negative infinity man yan… 

Wala akong paki. 

Ang alam ko lang ay miss na miss na kita ng walang hanggan. 

Miss na miss na kita. Ng bonggang malala. Magpakita ka na kasi ulit saken. Alam ko namang may bahagi din sa iyo na nakakamiss saken. Ang kapal naman ng mukha kong sabihin yan, pero alam ko, kahit isang katiting lang yan, namimiss mo rin ako. 

Namimiss ko na mga biro mo kahit alam ko naaasar ako palagi. Sarap mo kasing sapakin at hampasin. And yes, nakakamiss yung okay lang sayong hinahampas ka. Alam kong alam mo na pikon ako, pero inaasar mo pa rin ako. Tamang lambing lang naman. Haha. 

Namimiss ko nang kausapin ka. Magpakita ka na kasi at siguraduhin mong kakausapin mo na ako. Hirap mo na kasing abutin eh. Di na tayo nag-uusap. Namimiss ko nang binabara kita at binabara mo ako. 

Namimiss ko na ang alam ko ang lahat. 
Anu ba naman yan, bat ka biglang naging secretive. Para kang superhero na may tinatagong identity. 

Isang superhero na may kahinaan din. 
Ang kahinaang mapakilala ang tunay na anyo sa ibang mga tao. 

(O baka naman, kahit sa mga pangarap ko lamang, ang kahinaan mo ay ako. Chorvah. :)) [malay ko nga naman, magkatotoo.] 

Namimiss ko na ang kasama ka. Anu baaaaa. Nakakatakot mag-isa no. Walang kakwentuhan, kasamang tumawa at mag-emo pag ako lang kasi. Pag kinausap ko naman ang sarili ko o di kaya’y tumawa o umiyak mag-isa baka isipin ng ibang tao natitimang na ako. 

Namimiss na kita. Kahit di ko ito napapakita sa iyo. Ayoko kasing bigyan mo ito ng malisya, kahit alam nating karapat-dapat itong bigyan ng malisya. So ironic noh. 

Miss ko na ikaw. Oo, ikaw. Ung pagmumukha mo. Ung ngiti mo. Ung seryosong aura mo. Yung lambing at yakap. :> Ung mga kwento mo. Na kahit walang sense minsan, nakakatuwa pa ring pakinggan. Importanteng mahalaga ka kasi eh. 

Sana man lang kahit sa panaginip makausap kitang muli, kung hindi man ito mangyari sa totoong buhay. Sana makasama kitang maglakad-lakad sa kung san san man. 

Miss ko na yung dating ikaw. 
Sabagay. People change. 
They grow up. 

Pero not in your case. 
Naging mas immature ka ata. 
Or sadyang ganyan ka lang talaga. 
Kahit noon pa. 

Hindi naman kasi kita ganun talaga kakilala eh. Nagmamarunong lang ata ako. 

HAHAHA. At yan, ang pinakamasakit sa lahat. 

Nakakamiss ka. 

At naaasar na ako sayo. Ng sobra sobra. 

Ang unfair mo naman eh. Hindi ko na alam mga nangyayari sa iyo. Magparamdam ka naman. 

Nakakaasar ka. Kahit ilang beses kong itry na maglet go, move on. Bumabalik ka. Potek. 

sige naman oh. Magpakita ka na. 

Miss na miss na kasi kita. 
Ng bonggang malala. 

Siguro kung maihahalintulad sa isang math term ang pagkamiss ko sayo, yun ang infinity. 

Miss na kita to infinity. 
Mapa positive o negative infinity man yan… 

Wala akong paki. 
Ang alam ko lang ay miss na miss na kita ng walang hanggan. 

Pero walang walang hanggan. 
Walang forever. 

Sadyang magwawakas din lahat. 

At malay natin, balang araw, mawala na rin itong pagkamiss ko sa iyo. 

Mawawala rin ito. Pramis. 

Peksman. 

Mawawala rin ito. 

Mawawala. 
Mawawala. 
Mawawala. 

(Pero kahit ilang beses ko pa paulit-ulitin tong mantra na ito, iisa pa rin ang sinasabi ng isipan, puso at kaluluwa ko…) 

Miss na miss na kita. 
Ng sobra sobra. 
To infinity. 

At dahil miss na miss na kita, 
Tangina mo. 

Magpakita ka na. 
Please. Parang awa mo na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: